Thursday, October 25, 2007

Embarrased or Scared?

Sharing time... About what happened to me last night...

Last night at 11:30pm, nangyari ang hindi inaasahan. Yan kase yung mga oras na pauwe na ako at wala ako kasabay umuwe. Syempre paalam ako sa mga officemate at boss ko. Nung nagpaalam ako sa boss ko, ito ang nangyari...

Ako: Sir, uwe na po ako.
(Hindi ata ako narining...)
Ako ulit: Sir, uwe na po ako.
(Hayun narinig na ako.)
Boss: Oh! Uwe ka na? Bakit di mo sinabi inaantay mo pala ako?
(Waaa! di naman sa gusto ko talaga sumabay pero nakakahiya syempre boss ko yun.)
Ako: Sir hindi po... Okay lang po mauna na po ako. Hindi pa po ata kayo uuwe eh. Bye po!
Boss: Hindi... Uwe narin ako. Sandali magligpit lang ako gamit. Bakit di mo kase sinabi sakin kanina.
(Nagliligpit na siya ng gamit)
Ako: Sige po. Ok lang po un, may ginawa rin po ako kanina eh.
(Wala na ako nagawa kase siya na mismo nag offer eh. Kaya hinintay ko na siya kahit sobrang nahihiya ako sumabay.)

Pumunta ako sa pwesto ni Ate Mye habang naghihintay para sabihin na sasabay ako sa boss ko. Sabay turo ng palihim sa boss ko (para ipaalam nga na isasabay ako nung boss ko nang walang sinasabi). Ang hindi ko alam tumayo pala yung boss ko nun at nakita akong palihim pang nakaturo sa pwesto niya (syempre understood na siya yung tinuturo ko nun). Grabe nakakahiya talaga kase pagkaturo ko sa pwesto niya at palihim na tumingin sa pwesto niya nakita ko siya na nakatayo at nakatingin sa akin (gulat na gulat ako at di alam ang gagawin, kung pwede lang sana ako maglaho at that moment of time ginawa ko na. waaa! nakakahiya talaga. huhu.. t_t... Para akong nauupos na kandila nung mga oras na iyon). Nakatingin yung boss ko sakin na parang natatawa (nagpipigil siya ng tawa siguro kase alam niyang ilag o takot pa ako sa kanya at natatawa nalang siya sakin). Kaya ang ginawa ko nalang ay pilit na binago yung usapan at tinanong ko nalang si Ate Mye kung what time ba siya uuwe at kung sasabay siya sa boss namin sabay turo ulit sa boss namin para di masyado halata. Pero halata parin kaya siguro ako? Ano sa tingin mo?... Sa tingin ko, OO.... waaaa! Di ko parin ma-imagine yung facial expression ko nung nagulat ako sa kanya... Nakakahiya talaga...

(Inside the car of my boss...)
Ako: Sir naniniwala po ba kayo sa white lady?
(Nagkwento ako ng hindi work related topic para may mapag-usapan kame)
Boss: Oo naman...
blablabla...
(Hayun naubusan na ako ng kwento. Tahimik na naman ang paligid. At kinakabahan na ako sa next topic namin. Pilit ako nag-iisip ng ibang masasabi kaya lang blanko na utak ko nun. At nangyari na nga ang kinatatakutan ko. Nagtanong na siya ng work related. huhu. Na pressure na na naman ako. waaaa!)

Sobrang tagal ng biyahe namin. Di ko na alam kung mabagal lang talaga siya mag drive or traffic lang siguro dahil sa mga stop lights. Basta ang naiisip ko lang that time ay makarating na sa bababaan ko. Para na akong wala sa sarili nun. haha... tapos bigla niya ako tinanong...
Boss: Tama ba itong dinadaanan natin?
(Napatingin naman ako dahil nga naglalakbay ang diwa ko, kinabahan ako sa tanong niya. Madilim nun kaya di ko agad masabi kung tama nga ba talaga yung dinaanan niya. Akala ko talaga lumagpas na ako nun eh. Ang bilis ng heart beat ko nun. wakoko!)
Ako: Tama naman po yung dinaanan natin. hehe...

Hay salamat at nakarating narin ako sa bababaan ko. (inhale! exhale! hehe.)
Pero thanks narin sa boss ko dahil nakauwe ako ng maayos. At ito ang masasabi ko sa kanya, mabait din siya talaga.

Paalala: Hindi eksaktong detalye ang nakalagay diyan. Maaaring may nabago o nadagdag sa usapan namin. :)

4 comments:

M A K R E said...

napraning ka mommy! hehehehe. >_<

ardee sean said...

hala, lagot ka..sino kaya yung boss na yun..hmmm..hmmm...sige no comment din wahaahah..boss ko din eh..nyahahah..

nywayz, just wanna comment on sa writing mo, galing ng pag-organize mo ng thoughts - swabe! smooth parang mapapasama kami sa eksena..weheheh..nice one..keep it up...take care alwayz..di blog to ha..saka na..

Kangel said...

hahahaha...yun lang...kasalanan ko kung bakit nangyari yan...sori emie!!!

hehe...oks lang yan...mabait naman tlaga siya...Unless iba yung boss natin...di katulad ng mga ibang mga boys natin sa team...Hehe...Concern sya kasi mabait o nagti-trip lang...Hehe..Much better siguro kung iisipin na lang natin na mabait talaga siya ;) Hehehe!

Libre natin siya pizza daw dahil sa dami ng beses na nakasabay tayo sa knya sa pag-uwi...

Ang masasabi ko lang...sa kuwento mo...Hahahahahahahahaha!

Joke!!! Labshu emie!

Anonymous said...

hehehe, d ko akalin n totoo yun, kala ko prang comics yun dating e, hahaha