"When somebody does something wrong to you and it really drove you freakin' mad, don't do the same to him/her instead kill him/her with kindness. 'Coz guilty feelings are always nastier revenge."
Actually naiinis lang talaga ako ngayong araw na ito. Kaya magsusulat nalang ako. Naiinis ako sa mga taong walang pakialam sa mararamdaman mo (not sensitive). Sorry sa mga taong napakitaan ko ng di maganda, like pagiging mataray ko. Siguro hindi ko lang talaga nakayanan na yung nararamdaman ko kaya sumabog na ako. hahaha... Naiinis ako sa mga taong umaabuso ng pagiging mabait ko. Siguro time na nga talaga para matuto akong ipagtanggol ang sarili ko. Gusto ko lang rin i-share yung experience ko na kinainisan ko.
One time nag-usap kami ng officemate ko na i-treat ang sarili namin, kaya after work pumunta kame sa mall. Kumain kame sa isang resto. At ang resto na yun ang sanhi ng aking pagkainis. Siguro pagod ako sa work pero di parin sapat na dahilan yun para mainis ako. Na trigger lang yun nung time na oorder kame ng food. Nakapila kase kame nun tapos yung customer behind me nagtanong sa waiter then after that umorder na ung customer behind me. Dahil sa kabaitan ko pinalagpas ko iyon sa pag aakalang ako ang isusunod niya. Pero hindi parin dahil di man lang niya kame pinansin (para kaming multo dun ni Makre) at ang tinanong niya ay yung nasa likod namin ni Makre. Kainis diba?! Pero sige lang, pero pangatlo na mukhang di parin niya kame papansinin. Di nako papayag nun. Talagang napuno nako sa kainisan nun kaya sinabihan ko na siya na kanina pa kame dun at nakalagpas na yung dalawang tao sa likod namin at hindi parin niya kame papansinin. Badtrip talaga! Nakakahiya yung ginawa kong iyon dahil napasigaw ako sa inis. Nakita ko rin yung mga tao na nagtinginan sakin pero wala ako pakialam nun dahil naiinis talaga ako.
Pero after that incident, I realized na ang dapat ko ginawa ay sabihan yung waiter nung umpisa palang na ako yung nasa unahang pila kaya dapat ako unahin niya. Para sana hindi nako napuno sa kainisan at hindi na umabot sa ganun. :)
1 comment:
sige emie, mas okay naman yung nailalabas mo eh. hindi naman ibig sabihin na masama yun, may feelings din naman kasi tayo eh..yun nga lang minsan talga hindi natin mapipigilan yung mga nararamdaman na pagsabog (nu ba yun, tama ba) kasi dun natin nafifeel yung pagiging human, so tao ka na..ahehehe.. ako din may ganung moments pero after naman nun, wala naman yun ayus lang yun..at least magkaalaman kung ano yung mga mali o tama sa mga sitwasyon na ganun. yun ang importante, to learn after that. cheers, miss ko na posts mo..grabe..sobrang busy mo na..hayyy..
Post a Comment