Tuesday, October 23, 2007

MCP Exam Survival

Sa wakas natapos na ang kinatatakutan kong exam. Feeling ko kase pag di ako nakapasa dun mapapalayas nako sa company namin. hahaha.

Kumusta naman ang feeling bago mag exam? Naku, sobrang kabado kahit one week before pa yung date ng exam ko. Kase hindi pa ako ganun ka-confident para mag take ng exam. Super dasal talaga ako na sana kahit di mataas yung score ko basta makapasa lang ako.

Kumusta naman ang feeling during exam? Sobrang bilis ng heartbeat ko at syempre walang patid na pagdarasal. Bawat question talaga may dasal.. Sabi ko "Lord ituro niyo po sakin ang tamang sagot". Buti nalang ang bait talaga ni Lord. Bakit? Kase itinuturo niya talaga sakin yung sagot.. May mga signs siya na parang nagsasabi sakin na yun ang sagot. For example, habang nag-exam ako bigla nalang gumagalaw yung mouse cursor sa isang letter kaya yun na ang pinipili ko. hehe. Pero di palage ganun, nangyayari lang yun kapag may di ko na alam ang isasagot ko. Galing noh. Hindi ko alam kung maniniwala kayo pero siguro ganun lang talaga si Lord di nagpapahalata. Hehehe :)

Kumusta naman ang feeling after exam? Hindi ako makapaniwala na nakapasa nga talaga ako. As in sobrang tagal ko nakatitig lang dun sa result ng exam. Tapos tska ko lang napagtanto na totoo nga talaga na nakapasa ako. Wow! Sobrang thank you Lord.

1 comment:

M A K R E said...

congrats mommy! MCP NA! :D

MCAD NA SUSUNOD :P