Monday, October 1, 2007

Creepy Experience (White Lady, Ghosts)

Mga nakakatakot kong experience:

Wag kayong matatakot pumunta sa bahay namin after niyo basahin itong post ko ha. hehe!

Tamang tama malapit na ang halloween... t_t

Medyo fresh pa kase sa memory ko ang mga pangyayaring ito na naganap lamang kahapon.. Unahin ko na ang pinakalatest...

1. Nung isang araw habang nakaupo ako malapit sa dining table namin... Napatingin ako bigla sa bintana namin dahil may nakita ako dumaan na tao at nakasuot siya ng tshirt na kulay blue... Akala ko kuya(pinsan) ko yung dumating kaya agad ako pumunta sa kusina namin para salubungin siya... Pero pagdating ko sa kusina namin, wala ako nakitang tao... Sino kaya iyon? huhu! Inisip ko nalang na isa lamang iyong ilusyon ko. Kase medyo mabilis lang yung pangyayari eh. Hindi naman siya masyado nakakatakot eh. hehe. Eto pangalawa...

2. May alaga kaming aso. Syempre pinapakain ko siya. Gabi na yun at madilim. Nang may kakaiba sa paligid ko. Nararamdaman ko lang pero di ko pinapansin kase ayaw ko takutin sarili ko. Walang hangin nun(humid) pero malamig. Tapos nung papalapit ako sa aso ko, nakita ko na nakabahag ang kanyang buntot. Seryoso ito. Tapos hayun umuungol siya.. Diba kapag daw may nakikita or natatakot ang aso ganun sila? Nakita ko rin na hindi nakatingin sakin ang aso ko subalit nakatingin siya malapit sa kinatatayuan ko na dapat sana ay sumasalubong siya sa akin at natutuwang kakain na siya. Pero hinde, umaatras siya habang umuungol. Kaya tumingin ako sa tinitignan niya at wala naman ako nakita pero naramdaman ko talaga siya kung sino man siya. Scary talaga un. Sobrang nagmadali talaga ako pumasok sa bahay namin.

3. Pinaniniwalaan ng nakararami na may duwende daw sa lugar namin. Maraming albularyo at may mga third eye ang nakakakita. Ayaw ko maniwala kaya lang minsan sinasaktan nila kame eh. Ang madalas nila gawin samin ay ang kurutin kame, madalas kame nagkaka pasa (bruise) kapag may pupuntahan kame sa ilang part ng bakanteng lote sa harap ng bahay namin. Pangalawa, ang nasabing pagkakasakit ng kapitbahay namin na di maipaliwanag ng mga doctor kaya nagpatingin sila sa albularyo at hayun sinabing yung duwende daw ang may gawa nun. Natapunan kase niya ng basura/tiratirang pagkain yung duwende at nagalit. (Dun kase tinapon samin hayan tuloy). Pangatlo, ang pagkakasakit ng mother ko at lolo ko. Yung sa lolo ko nung nagkasakit siya sinabi niya samin yung dahilan kung bakit siya nadapa at nabalian ng buto ay dahil meron siya nakitang parang bata daw at itinulak siya. Yun di na siya tinigilan. Lagi niya sinasabi na may dumadagan daw sa dibdib niya at ilang beses kami bumalik sa hospital pero ok lang naman ang sinasabi ng doctor. Yun lang naman pero sa ngayon ok naman kame ng family ko. Pinaputol na rin namin yung ibang puno sa amin at wala naman nanggugulo ngayon.

4. Ang pagsubok ko ng spirit of the ballpen. Anim na ballpen ang kailangan dun at may dasal din un. Ginawa ko ito nung high school. Break time namin yun at naisipan namin ng seatmate ko na subukan iyon. Ilang beses din kame nagtry pero wala naman nangyari kase iniisip namin joke lang yun at di totoo. Sobrang natatawa kame sa sarili namin. Pero nung pangatlo or pang apat na beses namin iyon itry nagseryoso kame sa pagdasal at yun biglang may pwersa na nagpagalaw sa ballpen. Tinanong ko siya kung siya ang nagpagalaw nun pero hindi daw siya. Kaya nagsimula kame magtanong dun sa spirit na natawag namin. Tinanong namin kung babae ba siya at muling gumalaw ang ballpen. Nagtanong ulit kame kung what age niya, di siya sumagot kase dapat answerable by yes or no lang. Kaya nagtanong ulit kame kung 40 plus na ba age niya at muli gumalaw ang ballpen. Natakot na kame nung makarami na kame ng tanong at napatunayan na wala sa amin ang nagpapagalaw ng ballpen kundi yung spirit na natawag namin. (Hindi mahirap magtawag ng spirit dahil malapit lang sa cemetery ang school namin. Please wag niyo na subukan dahil nakakatakot talaga. Buti nalang hindi masama yung natawag namin spirit!)

5. Ang Retreat house na pinuntahan namin nung high school recollection. Bago pa lang kami pupunta dun, binalaan na kami ng teachers namin na meron talaga dun mga multo at mahigpit na ipinagbawal samin ang mag-isang pumunta sa cr or kahit saang part ng retreat house. Bawal din ang mag iwan ng bakanteng chair lalo na kung katabi mo yung chair at kung matutulog naman bawal ang bed na walang mahihiga kase baka tabihan ka ng multo. Ang experience ko na nakakatakot talaga ay naganap during nap time namin (afternoon time). Marami kame sa loob ng room na iyon (all girls) pero bukod samin may iba pa pala kame kasama na hindi namin nakikita at nararamdaman lang namin. Hindi ako nakatulog nun. Actually dalawa pala kameng di nakatulog nun dahil naririnig namin yung mga yapak nung mga ghost. Sobrang ingay pabalik balik. Siguro binabantayan kame. Nakapikit ako nun kase natakot ako sa makikita ko pero tinapangan ko sarili ko para alamin kung sino ba yung naglalakad na yun at wala ako nakita. Tinanong ako nung schoolmate ko na katabi kong bed kung naririnig ko daw ba yun, sabi ko oo. Yung iba namin kasama tulog na. Pinilit ko makatulog pero maingay talaga at naramdaman ko yung yapak nila na palapit sa kama ko at biglang hinila ng bahagya yung unan ko or parang naupo sa may unan ko. WAAAA! Scary talaga.

6. Aswang. Hindi ko naman talaga sure kung aswang nga iyon pero nakakatakot yung narinig namin na tiktik. Kakaibang tunog na nun ko lang narinig. Inisip namin na baka gawa lang iyon ng hayop pero kakaiba talaga eh. Nung una malakas yung tunog hanggang pahina ng pahina. May mga asong nag uungulan sa labas at yung iba tumatahol. Sabi nila ang aswang daw pag malapit sa inyo makakarinig ka ng tiktik at kapag palapit ng palapit ay pahina ng pahina ang tiktik nila. Sa maniwala at hindi kayo nagbaon ako ng bawang sa pagtulog ko sa takot sa aswang.

7. Ito yung una kong experience sa mga nakakatakot. Nangyari ito nung bata pa ako, siguro 6yrs. old ako nun. Madalas kase hindi ako nagbubukas ng ilaw eh may inutos sakin yung lola ko na kunin sa kwarto niya. Gabi na yun pero di ako nagbukas ng ilaw kase ang balak ko kakapain ko nalang yung kukunin ko. Pero pagpanik ko para pumunta sana sa kwarto ni lola. May nakita ako "White Lady". Hindi ako agad nakaalis sa kinatatayuan ko at nanatiling nakatingin sa white lady. Gusto ko tumakbo pababa pero di ko magawa. Sobrang nangangatog yung tuhod ko nun. Ang itsura niya ay sobrang maliwanag na parang usok na di mo makikita ang kanyang mukha at wala rin siya paa kase nakalutang lang siya na parang tinatangay ng hangin yung damit niya na parang silk or basta white dress. Tapos unti unti siyang umalis pakaliwa at nawala ang liwanag. Hindi siya naglakad, tinangay lang siya na parang hangin. Dun palang ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at tumakbo pababa ng hagdan at di alintana yung mga steps ng hagdan namin.

*Note: Hindi pa kasama dito yung mga experience ko na nakalimutan ko na at hindi ko masyadong siguradong pangyayari.

6 comments:

M A K R E said...

maeexperience ko yan wuhoo pag nagobernayt kami senyo. tuloy ba yun? pag nagpizza stroll tayo? wee.

scary pero exciting! :D

Kangel said...

in short may third eye ka frend...Good luck...:)


oh well...gift yan...pero nakakatakot pa rin..hehe...

pero di kami papatakot...tuloy ang overnight....at pizza stroll!! Wooho!!

sol said...

ako rin mei gusto i-share.. dito sa office, need na mag graveyard shift ako para magsupport ng apps.. around 2am, sobrang konti ng tao, especially sa dept natin, kse around 11pm or 12am lang mga tao sa atin.. tpos one time, pumunta ako sa cr.. pagpasok ko, paglingon ko, nagulat ako dun sa nakita ko.. mei lalaki akong nakita na nkakatakot. ngayon ko lang toh in-open.. sobrang kinilabutan ako sa nakita ko.. nang tinitigan ko sya ng mabuti.. ako pala yun. salamin lang pala.. pagod & puyat lang pla ako. waaahahahaha

sol said...

...hehehe. ayos ba comment ko? hehe

Emierald said...

ayos sa comment sol... akala ko totoo na eh... :)

Mylene said...

shocks...ayaw kong basahin muna to...paano naman kasi, tuwing bubuksan ko, tipong madaling araw na at pauwi na ako. ayaw kong mag-imagine habang nasa daan haha!