squirrel is a small or medium-sized rodent of the family Sciuridae. In the English-speaking world, it commonly refers to members of this family's genera Sciurus and Tamiasciurus, which are tree squirrels that have large bushy tails, and are indigenous to Europe (but not Ireland), Asia and the Americas. Similar genera are found in Africa. The Sciuridae family also include flying squirrels, as well as ground squirrels such as the chipmunks, prairie dogs, and woodchucks.
To know more about squirrel click here
---------------------Para sa iba ang squirrel ay pests at hindi pets. Well, siguro nga kapag dumami na sila kase para silang mga daga. hehe. Pero nakakita na ba kayo ng squirrel? Ano nga kaya ang magiging reaksyon niyo once nakakita kyo ng squirrel sa bahay niyo? Magugulat ba kayo? Matatakot? o Matutuwa?
Although sinasabi nila na peste ang squirrel at sa ibang bansa nga ay tinataboy ang mga ito. Sa amin ay pinagkakatuwaan namin ito. Dahil first time ko nga makakita ng totoong squirrel as in close and personal pa, natuwa ako. Mukha silang daga pero cute dahil sa buntot nila. Siguro 1 month ago pa nung nakita nung lola ko yung squirrel na color brown sa may puno ng mangga namin. Palagi ko siya inaabangan pero di ko siya nakita. Tapos kahapon lang nang may magpakita ulit na squirrel sa bahay namin. This time color gray siya na may kaunting white color. Sabi nila iba daw ito sa naunang nakita nila. Grabe! nakakatuwa siya. Nakita ko siya sa may puno ng chico namin. Mabilis siya lumundag kaya akala ko di ko siya makikita ng matagalan. Super tagal ko nakatingala sa puno namin at sinadya kong wag gumalaw at magsalita para di siya matakot sakin. Hayun! huminto siya sa isang branch malapit sakin at tinitigan ako na parang na-curious siya sakin sabay galaw ng tenga niya. Natakot nga ako na baka lumundag siya sa mukha ko. Kahit napagod ako kakatingala worth naman kase nakita ko siya ng matagalan at malapitan. Natutuwa akong malaman na meron din palang squirrel dito sa Pilipinas. Akala ko kase sa ibang bansa lang un like US. Ayos ba?... Ay! meron din ako nakitang dragonfly sa amin kahapon.. Matagal tagal na rin kase ako di nakakakita nun eh. Dati kase maraming tutubing karayom sa amin at may grasshopper din at butterflies at minsan may mariposa din. Naalala ko minsan nililibing pa nga namin ung mga namamatay na paru-paro eh.
2 comments:
totoo? may squirrel sa inyo? ang galing naman...hehehe...
pero hindi ata pwede maging pet ang squirrel...
waaa...nga ba ems?
Me nakita ako sa laspinas
Post a Comment