Wednesday, October 31, 2007

500,000 evacuated in California wildfire


More than 500,000 people have been ordered to evacuate their homes in California's San Diego County as wildfires rage across the state, officials said.

refer to: http://abc.net.au/news/stories/2007/10/24/2068320.htm

-------------

Late na itong post ko about this pero naalala ko kasi yung kamag-anak ko na affected nung wildfire. Sa ngayon nasa evacuation place sila at wala sila nadalang gamit kundi kaunting damit and yung car nila. Hindi rin nakakapag work yung tito ko dahil nga sa pangyayaring ito. Although binibigyan sila ng everyday supplies ng government dun nanghihinayang pa rin ako sa mga gamit na napundar na nila dun. Sana maging ok naman sila.

Tuesday, October 30, 2007

Seven Things

Wow! First time to be tagged.
-----
Seven Things That You Dislike the Most
* durian. (NEVER! As in di na ako uulit tumikim nun.)
* flying cockroach. (same as kris...naku feeling ko hinahabol ako nung cockroach eh at mukha akong tanga pag ganun)
* mga mayayabang na tao.
* tapa ng kalabaw.(di ko gusto yung lasa)
* mabaho at maputik na lugar. (like palengke)
* ayoko ng spicy foods.
* flirt girls.

Seven Things You Like the Most
* super like ko ang chocolate. (addiction ang tawag dun)
* I like Harry Potter books. (Ganda ng story niyan. Galing ni JK Rowling)
* I like dogs. (gusto ko ng mabalahibong tuta)
* I like cinnamon rolls ng cinnzeo/cinnamon.
* I like butterfly (ang ganda kase nila eh)
* I like stuff toys.
* I like to eat and sleep.

Seven Important Things In Your Room
* my bed
* electric fan..(wish ko lang may aircon)
* Pillow
* blanket
* alarm clock (di ako magigising pag wala yan)
* cellphone
* ako (hehehe.. wala na ko maisip eh)

Seven Random Facts About You
* I like horror movies.
* Kapag natulog ako tulog talaga. (sabi nga nila mantika kung matulog)
* Naglalaro ako dati ng magic cards.
* Nakakita na ako ng white lady.
* Before kaya kong mag predict ng mangyayari palang.
* Nahulog ako sa stairs (10 steps) pero wala ako naramdaman. --catch by an angel
* Nagsayaw ako ng hawaiian dance na naka two piece. waaaa!

Seven Things You Plan to Do Before You Die
* Pumunta sa beach.
* Libutin ang beautiful spots sa Philippines.
* Magkaroon ng malaking bahay with swimming pool.
* Magkaroon ng car at matutong mag drive.
* Makapunta ng ibang bansa like France.
* Makasakay ng eroplano.
* Umakyat ng bundok.

Seven Things You Can Do
* magbasa
* kumain
* matulog
* mag-isip
* makinig
* maglakad
* magsalita

Seven Things You Can't Do
* hindi ko kayang mag split.
* hindi ko kayang tumalon sa building.
* hindi ko kayang mag drive ng car.
* hindi ko kayang mag swim.
* hindi ko kayang mag teleport.
* hindi ko kayang mag magic.
* hindi ko kayang mag wall climbing.

Seven Things You Find Attractive in the Opposite Sex
* Mata (preferred ko singkit or blue eyes)
* Matangkad
* Maputi
* May sense of humor/ hindi boring
* Matalino
* May respeto sa babae
* Malakas ang sex appeal

ung standards ko na lang kuno dati. hahaha. pero inde na ngayon :P
* God fearing
* Responsible
* Understanding
* Matalino
* Mabait
* Humble
* Gwapo! (mahirap talaga hanapin ito..)

Seven Things You Say the Most
* baliw
* sira
* exactly
* hehe
* ngek
* wag ka na!
* anu veh!

Seven Celebrity Crushes
* Piolo Pascual
* Kristine Hermosa
* Maja Salvador
* Angel Locsin
* Zac Efron
* Richard Gutierrez
* wala na ata..

Friday, October 26, 2007

Guess Who?

One day sa office may pinahulaan sa amin yung officemate ko na pictures. Cge nga hulaan niyo toh...















Sino to?
















Eh eto kilala niyo ba?















Gusto niyo na malaman????

Thursday, October 25, 2007

Ang Pagtatapat

Ako ba ito? Tama ba ang ginawa ko? hahaha... Anywayz, ginawa ko lang naman ito dahil gusto maging example kay karen na wala namang mawawala pag ginawa ng girl iyon. Actually hindi rin naman ako agree na girls ang magtatapat sa boys. Mas maganda pa rin kung yung boy ang naunang magsabi. Pero para lang masabi ko ito sa crush ko, nag-message ako sa kanya at ito ang buong usapan namin:

Emierald says:
hi crush musta?
Emierald says:
may sasabihin sana ako syo eh...
Crush says:
uy ano yun
Emierald says:
nakakahiya
Crush says:
ngek
Emierald says:
pero sige na nga
Emierald says:
kailangan ko daw sabihin eh
Emierald says:
kase crush po kita un lang
Emierald says:
waaaaa
Emierald says:
wag lalaki ulo ha
Crush says:
haha
Emierald says:
hahaha!
Crush says:
sino naman nagudyok
Emierald says:
wala nako masabi kundi hahaha!
Crush says:
sayo na sabihin mo ?
Emierald says:
basta
Emierald says:
sinabi ko lang para aware ka
Emierald says:
Crush says:
haha
Crush says:
ganun.. obvious naman eh
Emierald says:
weh
Crush says:
d joke lng wakokok!
Emierald says:
kaw talaga
Emierald says:
ang talino mo kase eh
Crush says:
ngek!
Crush says:
talino?
Crush says:
d ah!
Emierald says:
sobrang hinahangaan kita dun
Crush says:
d naman noh
Emierald says:
anong hindi. hindi ka pa matalino sa lagay na un
Emierald says:
waaaa
Crush says:
nyakeke inde
Crush says:
kakahiya nga
Emierald says:
anong kakahiya
Crush says:
..syempre exert effort lng
Crush says:
kasi d naman kilala skul ko
Crush says:
"D
Crush says:
Emierald says:
hindi nakikita sa school un
Crush says:
hehe well
Crush says:
syempre pag galing ka lasalle or ateneo
Emierald says:
hehe...
Crush says:
d ba
Crush says:
expected na
Crush says:
..kaya ako extra effort lng
Crush says:
hehe
Emierald says:
uu parang si *****
Crush says:
pero ano k ba noh.. just doing work
Emierald says:
well magaling ka talaga
Emierald says:
Hmmmm pa humble pa talaga
(At biglang nagpunta ang mga girls officemate ko sa worstation ko at nakisali sa usapan namin)
Emierald says:
kras din kita -kris
Crush says:
hehe
Crush says:
aba!
Emierald says:
ako rin - karen
Crush says:
tlga naman
Emierald says:
grabe tong mga toh nalaman mo na tuloy yung secret namin
Emierald says:
ako kras kita ng 40% - karen
Emierald says:
ako 10% lang crush -kris
Emierald says:
ako 80%- emie
Emierald says:
kaya pinagbigyan namin si emie - karen
Emierald says:
uy hindi joke yan
Crush says:
haha
Crush says:
meron pa pala percentage ah
Crush says:
baka magselos si ***** nyan
Crush says:
wakokok
Emierald says:
eh hindi ka pa kasi perfect - karen
Emierald says:
hahaha!
Emierald says:
hindi magseselos si ***** kase alam niya un - emie
Emierald says:
Crush says:
hehe im not perfect naman kaya nga there is the word better half!
Crush says:
hehe
Crush says:
si *****
Crush says:
ilan percent ?
Emierald says:
ako 1% --- ok siya lahat as in ideal siya kaso.di ko masakyan ugali - karen
Emierald says:
but there is something about 1%
Emierald says:
ako 10% siguro kase mabait naman siya sakin kahit papaano at matalino-emie
Emierald says:
naku naku di ka na nkapagsalita dyan ha
Crush says:
haha
Crush says:
10% lng ?
Crush says:
magagalit sayo yun
Crush says:
nyahaha
Emierald says:
bakit naman siya magagalit
Crush says:
mahilig k b sa matalino?
Crush says:
dapat 100% sya
Emierald says:
siguro nga
Emierald says:
bakit mo naman nasabi na dapat 100% siya?
Crush says:
kasi d naman ako matalino eh
Crush says:
pogi lng
Crush says:
haha
Emierald says:
matalino ka nga tsaka medyo pogi na rin
Emierald says:
hahaha!
Emierald says:
oh... Ok ba?
Crush says:
matalino ka nga tsaka medyo pogi na rin <--aba ba ba ba Emierald says: ok sige pogi na nga Emierald says: sige busy ka na po ata. next time kwentuhan nalang po ulit. Ingatz Crush says:
ok .. sensya ah may pinapagawa kasi saken

(At diyan na natapos usapan namin. Ok lang naman na malaman niya na crush ko siya eh. Wala naman pala masama na gawin un. Tsaka di naman ako nagtapat ng pag-ibig. Ang sinabi ko lang ay crush ko siya. Wala namang masama sa humanga eh. Ayos diba?!)

Embarrased or Scared?

Sharing time... About what happened to me last night...

Last night at 11:30pm, nangyari ang hindi inaasahan. Yan kase yung mga oras na pauwe na ako at wala ako kasabay umuwe. Syempre paalam ako sa mga officemate at boss ko. Nung nagpaalam ako sa boss ko, ito ang nangyari...

Ako: Sir, uwe na po ako.
(Hindi ata ako narining...)
Ako ulit: Sir, uwe na po ako.
(Hayun narinig na ako.)
Boss: Oh! Uwe ka na? Bakit di mo sinabi inaantay mo pala ako?
(Waaa! di naman sa gusto ko talaga sumabay pero nakakahiya syempre boss ko yun.)
Ako: Sir hindi po... Okay lang po mauna na po ako. Hindi pa po ata kayo uuwe eh. Bye po!
Boss: Hindi... Uwe narin ako. Sandali magligpit lang ako gamit. Bakit di mo kase sinabi sakin kanina.
(Nagliligpit na siya ng gamit)
Ako: Sige po. Ok lang po un, may ginawa rin po ako kanina eh.
(Wala na ako nagawa kase siya na mismo nag offer eh. Kaya hinintay ko na siya kahit sobrang nahihiya ako sumabay.)

Pumunta ako sa pwesto ni Ate Mye habang naghihintay para sabihin na sasabay ako sa boss ko. Sabay turo ng palihim sa boss ko (para ipaalam nga na isasabay ako nung boss ko nang walang sinasabi). Ang hindi ko alam tumayo pala yung boss ko nun at nakita akong palihim pang nakaturo sa pwesto niya (syempre understood na siya yung tinuturo ko nun). Grabe nakakahiya talaga kase pagkaturo ko sa pwesto niya at palihim na tumingin sa pwesto niya nakita ko siya na nakatayo at nakatingin sa akin (gulat na gulat ako at di alam ang gagawin, kung pwede lang sana ako maglaho at that moment of time ginawa ko na. waaa! nakakahiya talaga. huhu.. t_t... Para akong nauupos na kandila nung mga oras na iyon). Nakatingin yung boss ko sakin na parang natatawa (nagpipigil siya ng tawa siguro kase alam niyang ilag o takot pa ako sa kanya at natatawa nalang siya sakin). Kaya ang ginawa ko nalang ay pilit na binago yung usapan at tinanong ko nalang si Ate Mye kung what time ba siya uuwe at kung sasabay siya sa boss namin sabay turo ulit sa boss namin para di masyado halata. Pero halata parin kaya siguro ako? Ano sa tingin mo?... Sa tingin ko, OO.... waaaa! Di ko parin ma-imagine yung facial expression ko nung nagulat ako sa kanya... Nakakahiya talaga...

(Inside the car of my boss...)
Ako: Sir naniniwala po ba kayo sa white lady?
(Nagkwento ako ng hindi work related topic para may mapag-usapan kame)
Boss: Oo naman...
blablabla...
(Hayun naubusan na ako ng kwento. Tahimik na naman ang paligid. At kinakabahan na ako sa next topic namin. Pilit ako nag-iisip ng ibang masasabi kaya lang blanko na utak ko nun. At nangyari na nga ang kinatatakutan ko. Nagtanong na siya ng work related. huhu. Na pressure na na naman ako. waaaa!)

Sobrang tagal ng biyahe namin. Di ko na alam kung mabagal lang talaga siya mag drive or traffic lang siguro dahil sa mga stop lights. Basta ang naiisip ko lang that time ay makarating na sa bababaan ko. Para na akong wala sa sarili nun. haha... tapos bigla niya ako tinanong...
Boss: Tama ba itong dinadaanan natin?
(Napatingin naman ako dahil nga naglalakbay ang diwa ko, kinabahan ako sa tanong niya. Madilim nun kaya di ko agad masabi kung tama nga ba talaga yung dinaanan niya. Akala ko talaga lumagpas na ako nun eh. Ang bilis ng heart beat ko nun. wakoko!)
Ako: Tama naman po yung dinaanan natin. hehe...

Hay salamat at nakarating narin ako sa bababaan ko. (inhale! exhale! hehe.)
Pero thanks narin sa boss ko dahil nakauwe ako ng maayos. At ito ang masasabi ko sa kanya, mabait din siya talaga.

Paalala: Hindi eksaktong detalye ang nakalagay diyan. Maaaring may nabago o nadagdag sa usapan namin. :)

Tuesday, October 23, 2007

MCP Exam Survival

Sa wakas natapos na ang kinatatakutan kong exam. Feeling ko kase pag di ako nakapasa dun mapapalayas nako sa company namin. hahaha.

Kumusta naman ang feeling bago mag exam? Naku, sobrang kabado kahit one week before pa yung date ng exam ko. Kase hindi pa ako ganun ka-confident para mag take ng exam. Super dasal talaga ako na sana kahit di mataas yung score ko basta makapasa lang ako.

Kumusta naman ang feeling during exam? Sobrang bilis ng heartbeat ko at syempre walang patid na pagdarasal. Bawat question talaga may dasal.. Sabi ko "Lord ituro niyo po sakin ang tamang sagot". Buti nalang ang bait talaga ni Lord. Bakit? Kase itinuturo niya talaga sakin yung sagot.. May mga signs siya na parang nagsasabi sakin na yun ang sagot. For example, habang nag-exam ako bigla nalang gumagalaw yung mouse cursor sa isang letter kaya yun na ang pinipili ko. hehe. Pero di palage ganun, nangyayari lang yun kapag may di ko na alam ang isasagot ko. Galing noh. Hindi ko alam kung maniniwala kayo pero siguro ganun lang talaga si Lord di nagpapahalata. Hehehe :)

Kumusta naman ang feeling after exam? Hindi ako makapaniwala na nakapasa nga talaga ako. As in sobrang tagal ko nakatitig lang dun sa result ng exam. Tapos tska ko lang napagtanto na totoo nga talaga na nakapasa ako. Wow! Sobrang thank you Lord.

Friday, October 19, 2007

Nakakainis na Pangyayari

"When somebody does something wrong to you and it really drove you freakin' mad, don't do the same to him/her instead kill him/her with kindness. 'Coz guilty feelings are always nastier revenge."

Actually naiinis lang talaga ako ngayong araw na ito. Kaya magsusulat nalang ako. Naiinis ako sa mga taong walang pakialam sa mararamdaman mo (not sensitive). Sorry sa mga taong napakitaan ko ng di maganda, like pagiging mataray ko. Siguro hindi ko lang talaga nakayanan na yung nararamdaman ko kaya sumabog na ako. hahaha... Naiinis ako sa mga taong umaabuso ng pagiging mabait ko. Siguro time na nga talaga para matuto akong ipagtanggol ang sarili ko. Gusto ko lang rin i-share yung experience ko na kinainisan ko.

One time nag-usap kami ng officemate ko na i-treat ang sarili namin, kaya after work pumunta kame sa mall. Kumain kame sa isang resto. At ang resto na yun ang sanhi ng aking pagkainis. Siguro pagod ako sa work pero di parin sapat na dahilan yun para mainis ako. Na trigger lang yun nung time na oorder kame ng food. Nakapila kase kame nun tapos yung customer behind me nagtanong sa waiter then after that umorder na ung customer behind me. Dahil sa kabaitan ko pinalagpas ko iyon sa pag aakalang ako ang isusunod niya. Pero hindi parin dahil di man lang niya kame pinansin (para kaming multo dun ni Makre) at ang tinanong niya ay yung nasa likod namin ni Makre. Kainis diba?! Pero sige lang, pero pangatlo na mukhang di parin niya kame papansinin. Di nako papayag nun. Talagang napuno nako sa kainisan nun kaya sinabihan ko na siya na kanina pa kame dun at nakalagpas na yung dalawang tao sa likod namin at hindi parin niya kame papansinin. Badtrip talaga! Nakakahiya yung ginawa kong iyon dahil napasigaw ako sa inis. Nakita ko rin yung mga tao na nagtinginan sakin pero wala ako pakialam nun dahil naiinis talaga ako.

Pero after that incident, I realized na ang dapat ko ginawa ay sabihan yung waiter nung umpisa palang na ako yung nasa unahang pila kaya dapat ako unahin niya. Para sana hindi nako napuno sa kainisan at hindi na umabot sa ganun. :)

Monday, October 8, 2007

Showbiz Chika Minute

I just want to share something about the showbiz world... Medyo luma na nga lang yung balita pero basta kwento ko na rin...

Nanood kase kame ng The Buzz at Showbiz Central... Isa sa palabas dun ay yung batang may cancer na nag email sa station(di ko lam kung sa dos o syete eh.) na gusto daw niya makita ng personal yung paborito niyang artista na si Sunshine Dizon. Yung batang iyon ay isa pala sa pasyente sa St. Lukes. Yung tita ko kase nag work dun as secretary ng isang oncologist doctor. Kaya naibahagi ng tita ko ang inpormasyon na ito...

Meron daw kase silang patient na sobrang ganda at lapitin ng mga artista at medyo kahawig daw ni KC Concepcion. Sayang yung girl na yun kase may cancer siya. Pero according to that girl siya yung reason kung bakit naghiwalay sina Sandara Park at Joseph Bitangkol. Sobrang selosa daw pala itong si Sandara kaya umalis ng bansa si Sandara. Pero friends lang daw si Joseph at si beautiful cancer patient. Selosa lang talaga si Sandara. One more thing, alam niyo ba na totoong magkaaway si Marimar at si Katrina Halili sa totoong buhay?! Well ngayon ko lang rin nalaman yun. Nagulat ako dun. hehe... :)

Monday, October 1, 2007

Creepy Experience (White Lady, Ghosts)

Mga nakakatakot kong experience:

Wag kayong matatakot pumunta sa bahay namin after niyo basahin itong post ko ha. hehe!

Tamang tama malapit na ang halloween... t_t

Medyo fresh pa kase sa memory ko ang mga pangyayaring ito na naganap lamang kahapon.. Unahin ko na ang pinakalatest...

1. Nung isang araw habang nakaupo ako malapit sa dining table namin... Napatingin ako bigla sa bintana namin dahil may nakita ako dumaan na tao at nakasuot siya ng tshirt na kulay blue... Akala ko kuya(pinsan) ko yung dumating kaya agad ako pumunta sa kusina namin para salubungin siya... Pero pagdating ko sa kusina namin, wala ako nakitang tao... Sino kaya iyon? huhu! Inisip ko nalang na isa lamang iyong ilusyon ko. Kase medyo mabilis lang yung pangyayari eh. Hindi naman siya masyado nakakatakot eh. hehe. Eto pangalawa...

2. May alaga kaming aso. Syempre pinapakain ko siya. Gabi na yun at madilim. Nang may kakaiba sa paligid ko. Nararamdaman ko lang pero di ko pinapansin kase ayaw ko takutin sarili ko. Walang hangin nun(humid) pero malamig. Tapos nung papalapit ako sa aso ko, nakita ko na nakabahag ang kanyang buntot. Seryoso ito. Tapos hayun umuungol siya.. Diba kapag daw may nakikita or natatakot ang aso ganun sila? Nakita ko rin na hindi nakatingin sakin ang aso ko subalit nakatingin siya malapit sa kinatatayuan ko na dapat sana ay sumasalubong siya sa akin at natutuwang kakain na siya. Pero hinde, umaatras siya habang umuungol. Kaya tumingin ako sa tinitignan niya at wala naman ako nakita pero naramdaman ko talaga siya kung sino man siya. Scary talaga un. Sobrang nagmadali talaga ako pumasok sa bahay namin.

3. Pinaniniwalaan ng nakararami na may duwende daw sa lugar namin. Maraming albularyo at may mga third eye ang nakakakita. Ayaw ko maniwala kaya lang minsan sinasaktan nila kame eh. Ang madalas nila gawin samin ay ang kurutin kame, madalas kame nagkaka pasa (bruise) kapag may pupuntahan kame sa ilang part ng bakanteng lote sa harap ng bahay namin. Pangalawa, ang nasabing pagkakasakit ng kapitbahay namin na di maipaliwanag ng mga doctor kaya nagpatingin sila sa albularyo at hayun sinabing yung duwende daw ang may gawa nun. Natapunan kase niya ng basura/tiratirang pagkain yung duwende at nagalit. (Dun kase tinapon samin hayan tuloy). Pangatlo, ang pagkakasakit ng mother ko at lolo ko. Yung sa lolo ko nung nagkasakit siya sinabi niya samin yung dahilan kung bakit siya nadapa at nabalian ng buto ay dahil meron siya nakitang parang bata daw at itinulak siya. Yun di na siya tinigilan. Lagi niya sinasabi na may dumadagan daw sa dibdib niya at ilang beses kami bumalik sa hospital pero ok lang naman ang sinasabi ng doctor. Yun lang naman pero sa ngayon ok naman kame ng family ko. Pinaputol na rin namin yung ibang puno sa amin at wala naman nanggugulo ngayon.

4. Ang pagsubok ko ng spirit of the ballpen. Anim na ballpen ang kailangan dun at may dasal din un. Ginawa ko ito nung high school. Break time namin yun at naisipan namin ng seatmate ko na subukan iyon. Ilang beses din kame nagtry pero wala naman nangyari kase iniisip namin joke lang yun at di totoo. Sobrang natatawa kame sa sarili namin. Pero nung pangatlo or pang apat na beses namin iyon itry nagseryoso kame sa pagdasal at yun biglang may pwersa na nagpagalaw sa ballpen. Tinanong ko siya kung siya ang nagpagalaw nun pero hindi daw siya. Kaya nagsimula kame magtanong dun sa spirit na natawag namin. Tinanong namin kung babae ba siya at muling gumalaw ang ballpen. Nagtanong ulit kame kung what age niya, di siya sumagot kase dapat answerable by yes or no lang. Kaya nagtanong ulit kame kung 40 plus na ba age niya at muli gumalaw ang ballpen. Natakot na kame nung makarami na kame ng tanong at napatunayan na wala sa amin ang nagpapagalaw ng ballpen kundi yung spirit na natawag namin. (Hindi mahirap magtawag ng spirit dahil malapit lang sa cemetery ang school namin. Please wag niyo na subukan dahil nakakatakot talaga. Buti nalang hindi masama yung natawag namin spirit!)

5. Ang Retreat house na pinuntahan namin nung high school recollection. Bago pa lang kami pupunta dun, binalaan na kami ng teachers namin na meron talaga dun mga multo at mahigpit na ipinagbawal samin ang mag-isang pumunta sa cr or kahit saang part ng retreat house. Bawal din ang mag iwan ng bakanteng chair lalo na kung katabi mo yung chair at kung matutulog naman bawal ang bed na walang mahihiga kase baka tabihan ka ng multo. Ang experience ko na nakakatakot talaga ay naganap during nap time namin (afternoon time). Marami kame sa loob ng room na iyon (all girls) pero bukod samin may iba pa pala kame kasama na hindi namin nakikita at nararamdaman lang namin. Hindi ako nakatulog nun. Actually dalawa pala kameng di nakatulog nun dahil naririnig namin yung mga yapak nung mga ghost. Sobrang ingay pabalik balik. Siguro binabantayan kame. Nakapikit ako nun kase natakot ako sa makikita ko pero tinapangan ko sarili ko para alamin kung sino ba yung naglalakad na yun at wala ako nakita. Tinanong ako nung schoolmate ko na katabi kong bed kung naririnig ko daw ba yun, sabi ko oo. Yung iba namin kasama tulog na. Pinilit ko makatulog pero maingay talaga at naramdaman ko yung yapak nila na palapit sa kama ko at biglang hinila ng bahagya yung unan ko or parang naupo sa may unan ko. WAAAA! Scary talaga.

6. Aswang. Hindi ko naman talaga sure kung aswang nga iyon pero nakakatakot yung narinig namin na tiktik. Kakaibang tunog na nun ko lang narinig. Inisip namin na baka gawa lang iyon ng hayop pero kakaiba talaga eh. Nung una malakas yung tunog hanggang pahina ng pahina. May mga asong nag uungulan sa labas at yung iba tumatahol. Sabi nila ang aswang daw pag malapit sa inyo makakarinig ka ng tiktik at kapag palapit ng palapit ay pahina ng pahina ang tiktik nila. Sa maniwala at hindi kayo nagbaon ako ng bawang sa pagtulog ko sa takot sa aswang.

7. Ito yung una kong experience sa mga nakakatakot. Nangyari ito nung bata pa ako, siguro 6yrs. old ako nun. Madalas kase hindi ako nagbubukas ng ilaw eh may inutos sakin yung lola ko na kunin sa kwarto niya. Gabi na yun pero di ako nagbukas ng ilaw kase ang balak ko kakapain ko nalang yung kukunin ko. Pero pagpanik ko para pumunta sana sa kwarto ni lola. May nakita ako "White Lady". Hindi ako agad nakaalis sa kinatatayuan ko at nanatiling nakatingin sa white lady. Gusto ko tumakbo pababa pero di ko magawa. Sobrang nangangatog yung tuhod ko nun. Ang itsura niya ay sobrang maliwanag na parang usok na di mo makikita ang kanyang mukha at wala rin siya paa kase nakalutang lang siya na parang tinatangay ng hangin yung damit niya na parang silk or basta white dress. Tapos unti unti siyang umalis pakaliwa at nawala ang liwanag. Hindi siya naglakad, tinangay lang siya na parang hangin. Dun palang ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at tumakbo pababa ng hagdan at di alintana yung mga steps ng hagdan namin.

*Note: Hindi pa kasama dito yung mga experience ko na nakalimutan ko na at hindi ko masyadong siguradong pangyayari.