The adjective unintentional has 3 meanings:
Meaning #1: not done or made or performed with purpose or intent
Synonym: undesigned
Meaning #2: without deliberate intent
Synonym: unwilled
Meaning #3: not intentional
Synonyms: unplanned, unwitting
Bakit ko nga ba na post ang meaning ng unintentional? hehe... Marami kase akong mga bagay na di sinasadyang magawa or masabi. At hanggang ngayon naiisip ko parin siya dahil bothered ako na may ibang meaning sa ibang tao yung mga yun. Anu-ano nga ba ang mga ito?
1. Pinaka latest ay yung pangyayari nung meeting namin kahapon. Marahil ay pinag isipan ako ng nakararami na sinagot ko o binara ko yung boss namin. Kasi ba naman eh nagulat ako nung bigla ako tinanong nung boss namin kung naintindihan ko daw ba yung sinabi niya. I thought tinatanong niya ako kung ano yung sinabi niya at kung naintindihan ko ba talaga yung sinabi niya. Kaya hayun sinabi ko na "Yes. Yun pong sinabi niyo kanina"... At parang nabara siya sa sinabi ko, sandaling natigilan at sinabing "Ah ok, it is just answerable by yes or no"(di ko na maalala ung exact words niya basta parang ganun) . Haay! nakakahiya yung ginawa ko.
2. Ang pagsindak sa babaeng nagtitinda ng barbeque. Merienda time nun at sabay sabay lang kami nag order nung officemates ko tapos hayan na dumating na yung order ni Ardee. Akalain mo ba naman na 15 minutes na ata ang nakalipas at naubos na ni Ardee yung pagkain niya pero wala pa rin yung samin nina Karen at Kris. Sino ba naman di maiinis nun? Kaya... pinuntahan na namin yung tindera. "Ano ba yan ate, kanina pa yung order namin ah!". Ayun nakakain narin kame sa wakas. Tapos bayaran time na. Nagbigay ako kay ate ng bente pesos at sinabi ko yung order ko kanina na worth 15 pesos. Hayun kukuha na siya ng sukli nang bigla siya bumalik at sinabing "kulang po yung pera niyo." Nabigla ako at medyo napalakas ang pagkakasabi na "Ate tama na po yang binigay ko! 15 pesos lang yun eh!". Di ko naman sinadya maging mataray at that time eh. Na realize ko na nga lang yun nung sinabi sakin ni Kris na naninindak daw ako. hehe
3. Pag badge sa door bago pumasok. Medyo nagloloko kase itong ID ko at hindi siya tumutunog minsan pag nag badge ako. So, kapag nangyari yun iisipin talaga ng mga strict scanner guards wala kang access. Pero at that time medyo nag joke ung manong guard at sinabing "Wala po ata kayo access eh" kaya nasabi ko sa kanya na "Meron!" pero kakaiba kase yung pagkakasabi ko. Hirap explain, basta parang medyo mataray na pagalit yung tono daw ng voice ko according sa mga nakasaksi. hehe. Pero para sakin, sinagot ko lang yung joke ni kuya guard.
Tuesday, September 25, 2007
Unintentional
Posted by Emierald at 9/25/2007 06:12:00 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
the best pa lahat!
i like yung word na "pagsindak" haha! parang movie...
ok lang yan emie..at least napag-aaralan mo ang sarili mo...at nai-improved mo din...hehe...
go ems!
hehe... thanks! Dami ko talaga natutunan sa inyo... :) Maraming salamat! The best kayo lahat
lagot emie...hindi unintentional eh, surprising saka sudden attacking..hehehe..joke lng :p peace emie, kaw talaga..
naku lagot ka sa boss natin! hehe joke lang...wag seryosohin :)
o sa sunod wag na magtaray ha..mawawalan na ang team ng dalagang Pilipina =)
AKO ANG SAKSI SA LAHAT NG YAN! PANALO KA MOMMY EMIE! HAHAHAHAHAH
MATAKOT NA ANG MANG-AAWAY SA KANYA. WOOOOOOOT >:)
Post a Comment