Sunday, January 6, 2008

Awan Ti Danum...

Grabe! Wala kame tubig kahapon... At ang balita pa sa amin eh tatlong araw daw mawawalan ng tubig... Just imagine kung saan kame kukuha ng pampaligo for 3 days kung wala kame water... Medyo malaki rin yung area na nawalan ng tubig sa amin, pateros and some part of pasig. Dahil may nasira daw na main pipe wala kame tubig buong araw! Waaaa... :(

Good news is may mga fire truck na nagpunta sa barangay namin para mag supply ng tubig. Thank God! Hayun.. lahat ng tao nagsilabasan at nag unahan para makakuha ng water at isa ako dun.. For the mean time, kailangan ko maging amazona para magbuhat ng balde baldeng tubig... Di niyo ma-imagine noh.. haha.. Pero sa awa ng Diyos at sa tulong ng kapitbahay namin, nakaipon kame ng 3 malaking container and 3 timbang tubig... :)

Another good news and bad news is... after nung pagod and hirap namin sa pag-igib ng tubig nung hapon na iyon eh nagkaroon din ng tubig kinagabihan... Ang saya noh! pinagod lang kme... Sana di na lang kame nagpakapagod kung magkakaroon din pala ng tubig. Haaay... Ang sakit tuloy ng katawan ko ngayon... :(

No comments: