The adjective unintentional has 3 meanings:
Meaning #1: not done or made or performed with purpose or intent
Synonym: undesigned
Meaning #2: without deliberate intent
Synonym: unwilled
Meaning #3: not intentional
Synonyms: unplanned, unwitting
Bakit ko nga ba na post ang meaning ng unintentional? hehe... Marami kase akong mga bagay na di sinasadyang magawa or masabi. At hanggang ngayon naiisip ko parin siya dahil bothered ako na may ibang meaning sa ibang tao yung mga yun. Anu-ano nga ba ang mga ito?
1. Pinaka latest ay yung pangyayari nung meeting namin kahapon. Marahil ay pinag isipan ako ng nakararami na sinagot ko o binara ko yung boss namin. Kasi ba naman eh nagulat ako nung bigla ako tinanong nung boss namin kung naintindihan ko daw ba yung sinabi niya. I thought tinatanong niya ako kung ano yung sinabi niya at kung naintindihan ko ba talaga yung sinabi niya. Kaya hayun sinabi ko na "Yes. Yun pong sinabi niyo kanina"... At parang nabara siya sa sinabi ko, sandaling natigilan at sinabing "Ah ok, it is just answerable by yes or no"(di ko na maalala ung exact words niya basta parang ganun) . Haay! nakakahiya yung ginawa ko.
2. Ang pagsindak sa babaeng nagtitinda ng barbeque. Merienda time nun at sabay sabay lang kami nag order nung officemates ko tapos hayan na dumating na yung order ni Ardee. Akalain mo ba naman na 15 minutes na ata ang nakalipas at naubos na ni Ardee yung pagkain niya pero wala pa rin yung samin nina Karen at Kris. Sino ba naman di maiinis nun? Kaya... pinuntahan na namin yung tindera. "Ano ba yan ate, kanina pa yung order namin ah!". Ayun nakakain narin kame sa wakas. Tapos bayaran time na. Nagbigay ako kay ate ng bente pesos at sinabi ko yung order ko kanina na worth 15 pesos. Hayun kukuha na siya ng sukli nang bigla siya bumalik at sinabing "kulang po yung pera niyo." Nabigla ako at medyo napalakas ang pagkakasabi na "Ate tama na po yang binigay ko! 15 pesos lang yun eh!". Di ko naman sinadya maging mataray at that time eh. Na realize ko na nga lang yun nung sinabi sakin ni Kris na naninindak daw ako. hehe
3. Pag badge sa door bago pumasok. Medyo nagloloko kase itong ID ko at hindi siya tumutunog minsan pag nag badge ako. So, kapag nangyari yun iisipin talaga ng mga strict scanner guards wala kang access. Pero at that time medyo nag joke ung manong guard at sinabing "Wala po ata kayo access eh" kaya nasabi ko sa kanya na "Meron!" pero kakaiba kase yung pagkakasabi ko. Hirap explain, basta parang medyo mataray na pagalit yung tono daw ng voice ko according sa mga nakasaksi. hehe. Pero para sakin, sinagot ko lang yung joke ni kuya guard.
Tuesday, September 25, 2007
Unintentional
Posted by Emierald at 9/25/2007 06:12:00 PM 5 comments
Friday, September 21, 2007
Inspirational Poems
And a meadow lark sang.
And the child shouted,
Whereupon God reached down
What You Are To Me
clutching to me, protecting me.
helping me to shine and to be all that I can.
I am a lake, you are my water,
Posted by Emierald at 9/21/2007 11:53:00 PM 0 comments
Name Twin: Emierald meets Emierald
It is quite surprising that I have a name twin. Thanks to Friendster for making it possible knowing her. I just wanted to share my experience after seeing that i have a message from friendster. Actually I was just checking my yahoo mail and one of the messages says that I have a new friendster message from Emierald?! hehe.. I stopped for a while and read it again for me to believe that I saw my name.
First question in my mind: "Did I wrote a letter for myself?". hmmmm?! I don't know anyone who's name is the same spelling with mine. I thought my name is unique. Whoever she/he was, I don't know why would she write to me. I am really curious of that message. hehe *_*
Here is the message of Emierald from Cerritos,CA:
"I thought it was interesting na merong isang tao sa mundo with the same name and same spelling as me. I've met people named Emerald, pero not Emierald. For 21 years, I thought I was the only one with than name and spelling. HAHAH. I'm pretty sure you felt the same way too. haha. What are the odds of us both being Filipina too!
I'm guessing your name came from your birthstone because of your zodiac sign. I didn't get my name the same way you did.. my story is a bit more complicated than that. hehe. It was a combination of two names.
Just wanted to say hi to my "name twin" kasi our name truly is unique. Forgive me if my tagalog doesn't make sense. I can read and understand it when people talk to me, but for me actually speak and type it comes as a challenge. hehe
take care name twin! "
Nakakatuwang isipin na may kaparehas ako ng pangalan sa buong mundo. Akala ko unique yung name ko. hehe. Well, we are unique! haha... Kami ang dalawang tao sa mundo na may parehas na pangalan with the same spelling... Naisip niyo ba kung ilan ang kapangalan niyo sa buong mundo??? Magandang research un ah.
Posted by Emierald at 9/21/2007 07:26:00 PM 1 comments
Friday, September 14, 2007
First Times
Ano nga ang mga bagay na di ko pa nagagawa? Sobrang dami pala pag ilalagay ko lahat. Hehe... Siguro nagtataka kayo kase 21 yrs. old na ako but still ngayon ko lang naranasan gawin ang mga ito. Sige simulan ko na. Malamang curious na kayo!
1. Umuwe ng madaling araw dahil sa girls fish namin. Nag videoke kaming mga girls at past 4am na ata un nang makauwe ako. Yan ang pinaka late ko na uwe. As in sobrang ingat ako wag mag ingay pag dating sa bahay namin dahil baka mahuli ako at mapagalitan. For sure mahabang interrogation yun pag nagkataon. hahaha!
2. Sumali sa sack race dahil walang choice. hehe.. joke lang! Masaya din naman eh. Masayang experience. Biruin mo sa hinhin kong ito nag sack race ako? At alam mo ba kung ano feeling after? Ay naku! para lang naman lumundag pati puso ko at kailangan ko siya hawakan. Hindi kase ako sporty na tao kaya hayun nabanat mga buto buto ko at sobrang kapagod!
3. Mag badminton kasama ang mga officemate ko. First time ko kase maglaro ng badminton sa totoong badminton court. hehe.. Ang lulupit nilang maglaro. Wala ako masabi kase ako service lang palpak agad. Kaya points agad ang kalaban sa service ko palang.
4. Makatikim ng alcoholic drink. Nangyari iyan nung paradiso event namin c/o Errol and my officemates. Buti nalang wala naman ako naramdaman kakaiba or hindi ako tinamaan. hehe! Mas marami kase juice eh. Bait talaga ni Errol. Thanks for the experience.
5. Magsayaw sa stage nung paradiso event din. Sa dami ng tao na nagsasayaw feeling ko di nila ko nakikita kaya nag sayaw talaga ako para ma enjoy ang first kong outing sa Subic.
Posted by Emierald at 9/14/2007 11:40:00 AM 1 comments